Tuloy-tuloy na inaani ng bansa ang bunga ng mga naging biyahe sa abroad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, inihayag ni Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary for Communications Kim Bernardo Lokin na mayroon nang 20 mga proyekto mula sa dating investment pledges ang nagparehistro sa investment promotions agencies ng DTI na karamihan sa mga ito ay nasa linya ng manufacturing, IT-BPM, renewable energy, data centers, at telecommunications.
Mayroon din ani Lokin na siyam na projects ang nagsimula nang mag-operate na may investment value ng $398.17-billion US dollars.
Mayroon aniyang siyam pang nakalinyang proyekto na nasa Investment Stage 5, na ang ibig sabihin ay malapit nang magbukas o magsimula ng kanilang operasyon na nasa $790.58-million US dollars ang investment value.
Asahan ani Lokin na marami pang makikita para sa taong ito ng 2024 na mag-cooperate na mga negosyo sa bansa na bunga ng byaheng abroad ng Pangulong Marcos. | ulat ni Alvin Baltazar