Rizal solon, pinapurihan ang tree-planting program ng DepED; Mambabatas, hiniling sa kagawaran na gawin itong regular na aktibidad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuri ni Rizal 4th District Representative Fidel Nograles ang programa ng Department of Education (DepEd) na nagresulta sa pagtatanim ng halos dalawang milyong puno sa buong bansa.

Ayon kay Nograles, ang tagumpay ng 236,000 Christmas Trees program ay patunay na kayang maibalik ang pagiging luntian ng bansa.

“The success of the ‘236,000 Christmas Trees’ program points the way to how we can involve our institutions in efforts to restore our country’s greenery. That it has exceeded its target exponentially shows that there are many Filipinos who are eager to do their part to help,” saad ng mambabatas.

Batay sa ulat ng DepEd, higit 1.9 milyong puno ang naitanim sa lahat ng rehiyon na higit pa sa inisyal na target na 236,000.

Dahil naman dito, pinakokonsidera ni Nograles sa kagawaran na gawin nang taunang aktibidad ang tree-planting.

“We can consider such activities as learning opportunities for our youth, as we emphasize the role that fulfilling their civic duty can play in helping save the country from the effects of the climate crisis,” ani Nograles. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us