Mas palalawakin pa ng Philippine Red Cross (PRC) ang scholarship program nito sa para mga mag-aaral ng medisina.
Ito ang inihayag ni PRC Chairman at CEO Richard Gordon sa isinagawang Donor Appreciation Ceremony ng University of the Philippines College of Medicine (UPCMC) sa UP Manila.
Ayon kay Gordon, isang karangalan na maging bahagi ng mga hakbang para sa mapagtapos ang mga mag-aaral sa medisina o mga doktor sa Pilipinas.
Sa ngayon ang PRC ang pinaka-malaking scholarship provider ng UPCMC.
Noong August 26, 2022 nasa 12 na mahihirap na medical student ng UPCMC ang napagkalooban ng scholarship program ng PRC kung saan sinagot nito ang lahat ng tuition, miscellanoeus, lab fees, student fund, at iba pang gastusin ng mag-aaral.
Umaasa naman ang PRC na mas maraming mahihikayat sa mga ganitong gawain lalo na ang ibang donors na tumulong pa sa mas maraming mga estudyante.
Photo: PRC