Nagsagawa ng search and rescue operations ang mga personahe ng Coast Guard Station Surigao del Sur kasama ang PNP, CDRRMO, BFP at mga sundalo sa 13 pamilya sa mga barangay ng Tabon at Mangagoy sa Bislig City araw ng Lunes, Enero 29 matapos tumaas ang tubig baha ng hanggang dibdib.
Ang pagbaha ay dulot ng naranasang mga pag-ulan sa Caraga region dulot ng Northeast Monsoon.
Patuloy namang nakakaranas ng malamig na panahon ang Butuan City.
Samantala, suspendido ang lahat ng biyahe sa mga sasakyang pandagat na nasa 250 gross tonnage pababa sa karagatan na sakop ng Surigao del Norte dahil sa Gale Warning ng PAGASA Butuan.| ulat ni Jocelyn Morano| RP1 Butuan