Ipinaabot ni Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU) Secretary Carlito Galvez Jr. ang kanyang pagbati sa Bangsamoro people sa pagdiriwang ng ika-5 anibersaryo ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sinabi ni Sec. Galvez na ang pagdiriwang ng ika-5 anibersaryo ng BARMM ay testamento ng lakas mula sa pagkakaisa, upang maalpasan ang lahat ng hamon.
Ayon kay Sec. Galvez, ang pagdiriwang ay pagkakataon para itanghal ang “milestones” sa nakalipas na limang taon mula nang itatag ang BARMM, at gunitain ang landas na tungo sa pagkamit ng kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon.
Pinuri ni Sec. Galvez ang liderato ng BARMM sa kanilang katatagan, determinasyon, at commitment na iangat ang buhay ng mga mamayan sa rehiyon, anuman ang kanilang tribo, relihiyon o paniniwala.
Inenganyo naman ng kalihim ang lahat na patuloy na isulong ang kultura ng kapayapaan tungo sa isang mas maganda at progresibong kinabukasan. | ulat ni Leo Sarne