Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief at Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na puspusan ang paghahanda ng PNP para sa Traslasyon 2024 sa January 9.
Ayon kay Fajardo, tuloy-tuloy na ipatutupad ng PNP ang maximum Police visibility at masusing pagbabantay sa ruta ng prusisyon ng Itim na Nazareno.
Sinabi ni Fajardo na ikatlong linggo pa lang ng Disyembre ay nilalatag na ng PNP ang ipatutupad na seguridad para sa aktibidad na base sa dating “security template.”
Una nang sinabi ni Fajardo na bagama’t walang na-monitor na seryosong banta sa seguridad, naglatag na ng “pre-emptive measures” ang PNP para maiwasan ang anumang di kanais-nais na pangyayari.
Kasama dito ang pagpapakalat ng K-9 Units sa Quiapo Church at sa dadaanan ng prusisyon ng Itim na Nazareno. | ulat ni Leo Sarne