Sa kulungan ngayon ang bagsak ng isang sekyu matapos maaresto dahil sa iligal na pagpapaputok ng baril sa pagsalubong ng Bagong Taon sa Brgy. Baesa, sa Quezon City.
Kinilala ang suspek na si Boy Bagua, 44 na taong gulang, at residente ng naturang barangay.
Naaresto ito ng Talipapa Police Station (PS 3), matapos makatanggap ng sumbong kaugnay ng indiscriminate firing sa Baesa Road, Brgy. Baesa, Quezon City.
Nang maaresto, huling nakainom pa ang suspek at nakasukbit pa ang baril sa kanyang baywang.
Narekober naman dito ang isang ARMSCOR 202 Cal. 38 SPL na kargado pa ng bala.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa
R.A. 11926, o Indiscriminate Discharge of Firearms, at R.A. 10591, o Comprehensive Firearms and Regulation Act. | ulat ni Merry Ann Bastasa