Sinaluduhan ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang naging pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kaugnay ng imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC).
Sa naging pahayag ni Pangulong Marcos, sinabi nitong maaaring bumisita sa Pilipinas ang ICC pero hindi makikipagtulungan ang gobyerno ng Pilipinas sa ginagawa nilang imbestigasyon tungkol sa war on drugs ng nakaraang administrasyon.
Ipinahayag ni Dela Rosa na naniniwala siya sa pangako ng punong ehekutibo sa kanya na hindi nito hahayaan ang ICC na mag-imbestiga sa bansa.
Nilinaw ng senador na ang nauna niyang panawagan ay challenge lang sa Malakanyang na maglabas ng kanilang official stand at isapubliko ito para matuldukan ang mga ispekulasyon ng lahat ng mga marites. | ulat ni Nimfa Asuncion