Pinaalalahanan ni Senator Imee Marcos ang Commission on Elections (Comelec) tungkol sa pagkuha ng automated counting system para sa eleksyon sa susunod na taon o 2025 elections.
Ayon sa Senate Committee on Electoral Reforms Chairperson, dapat tiyakin ng poll body na mabusisi nilang mache-check ang background at track record ng mga bidder.
Binigayng diin rin ni Senator Imee, na nakapahalaga ng oras at mabilis lang ang panahon para sa paghahanda ng Comelec sa 2025 elections.
Kabilang na dito ang pag-secure ng gagamiting automated counting system sa national at local elections sa susunod na taon.
Kaya naman dapat aniyang tiyakin na walang bahid ang mga potential bidder at suppliers.
Giniit ni Marcos, na dapat lang ibigay sa taumbayan ang isang malinis at tapat na halalan. | ulat ni Nimfa Asuncion