Aminado si Senador Jinggoy Estrada na kinakabahan siya sa magiging desisyon ng Sandiganbayan 5th Division patungkol sa P183 million plunder case na kinakaharap niya.
Umaasa si Estrada na magiging patas ang korte at magiging paborable sa kanya ang magiging desisyon.
Matatandaang inakusahan si Estrada sa maling paggamit ng discretionary fund o mas kilala sa tawag na pork barrel mula taong 2004 hanggang 2010.
Taong 2017, nang payagan ng korte ang senador na makapagpiyansa ng P1 milyong para sa kasong plunder at P330,000 para sa 11 counts ng graft.
Sinabi ni Estrada, na umaasa siyang malilinis na ang kanyang pangalan lalo na’t naapektuhan nito ang kanilang buong pamilya. | ulat ni Nimfa Asuncion