Pabor si Senador JV Ejercito sa pagpupursige ng Department of Transportation (DOTr) ng Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program.
Matatandaaang sa Bagong Pilipinas kickoff rally kahapon ay binanggit ni Transportation Secretary Jaime Bautista na maipapatupad ang PUV modernization sa ilalim ng Bagong Pilipinas.
Ipinatitiyak lang ni Ejercito, na dapat lahat ng aspeto sa naturang programa ay magiging handa.
Partikular na aniya sa financing ng mga modern jeepney unit, at ang consolidation ng mga prangkisa ng mga operator at drayber ng jeep.
Idinagdag rin ng senador, na dapat kaakibat ng PUV modernization ang pagsasamoderno ng public transportation sa Pilipinas. | ulat ni Nimfa Asuncion