Hinikayat ni Senate Minority Leader Koko Pimentel si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na makialam na at pahintuin ang isinusulong na people’s initiative para sa charter change (chacha).
Binigyang diin ni Pimentel na nakakaapekto na sa trabaho ng lehislatura ang isyung ito.
Sinabi ng senador, na ang intervention na magmumula sa punong ehekutibo ang makakapigil sa legislative crisis at makapagbabalik ng magandang relasyon ng Senado at Kamara.
Duda rin ang minority leader na makakatulong sa administrasyon ang isinusulong na people’s initiative, kung saan pinepetisyong amyendahan ang Saligang Batas sa pamamagitan ng pagboto ng magksama ng Senado at Kamara.
Pinaalala ni Pimentel na 22 senador ang sumusuporta ngayon sa administrasyon at maging silang nasa minorya ay hindi maituturing na obstructionist sa mga legislative agenda ng Pangulo.
Magandang formula na aniya ito para sa tagumpay ng adminsitrasyon kaya dapat nang itigil ang people’s initiative na itinutulak. | ulat ni Nimfa Asuncion