Binigyang-diin ni Senador Nancy Binay na ang Senado ay pro-development at pro-progress.
Ginawa ng senador ang pahayag sa gitna ng pangamba ng ilan sa political tension na nagmula sa isyu ng charter change (cha-cha) at sa posibleng epekto nito sa pananaw ng mga mamumuhunan sa Pilipinas.
Giit ni Binay, committed ang Senado sa economic growth at stability ng bansa at patunay dito ang naipasa nilang mga kritikal na economoc reforms gaya ng Public Service Act, Foreign Investments Act, at Retail Trade Liberation Act.
Sinabi ng mambabatas na hindi dapat ituon ang sisi sa Senado dahil hindi naman sila ang responsable para sa pekeng initiative para amyendahan ang Saligang Batas ng Pilipinas.
Kasabay nito ay nanawagan si Binay sa mga taong nasa likod ng isinusulong na people’s initiative na may negatibo at direktang epekto sa ekonomiya ng bansa ang ganitong mga patagong galawang cha-cha.
Sa kabila ng mga isyu ngayon ay ipinahayag ng senador na nananatiling matatag ang Mataas na Kapulungan ng Kongreso sa commitment nito na tugunan ang economic issues ng bansa.
Hindi aniya nila hahayaang manaig ang interes ng iilan dahil talo dito ang taumbayan. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion