Sen. Villanueva, pinatitiyak na maayos ang koordinasyon sa pagpapatupad ng utos na i-dissolve ang senior high school sa SUCs at LUCs

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Senate Majority leader Joel Villanueva sa Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) na tiyaking magkakaroon sila ng maayos na koordinasyon sa kondisyon ng mga estudyanteng maaapektuhan ng kautusan sa state at local universities and colleges na itigil na ang pagtanggap ng senior high school students.

Sisimulan ang pagtigil ng pagtanggap ng mga senior high school sa SUCs at LUCs sa susunod na school year.

Ipinaliwanag ni Villanueva, na ang pagtigil ng Senior High School (SHS) programs sa SUCs at LUCs ay alinsunod sa mandato ng Higher Education Institutions.

Sinabi ng senador, na pinayagan ang mga SUC at LUC na tumanggap ng Senior High School students sa panahon ng transition period sa implementasyon ng K-12 program.

Alam naman aniya ng lahat na hindi tungkulin ng Higher Education Institutions ang mag-alok ng basic education, maliban sa laboratory schools.

Gayunman, dapat aniyang ikonsidera sa direktiba ang mga maapektuhang estudyante.

Kaya dapat naman giit ng mambabatas, na dapat magkaroon ng malinaw na aksyon ang CHED at DepEd para matiyak na walang mapuputol na serbisyo sa mga estudyante. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us