Ibinahagi ni Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito na naka-schedule na sa Miyerkules ang pagtalakay ng Senado sa Resolution of Both Houses No. 6, o ang panukalang pag-amyenda sa economic provision ng Saligang Batas.
Sinabi ni Ejercito na ito ay pagtupad ng Senado sa kanilang napagkasunduan sa Kamara.
Ngayong hapon ay nakatakdang magkaroon ng caucus ang mga senador at kabilang sa pag-uusapan ang magiging pagdinig sa Economic Cha-Cha.
Kabilang na aniya dito kung sino-sino ang mga iimbitahang resource persons sa committee hearing. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion