Ibinahagi ni Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito na nakatakda na ang pagtalakay ng Senado sa Resolution of Both Houses no. 6 ang panukalang pag amyenda sa economic provision ng Saligang Batas.
Sa pulong balitaan ngayong araw, sinabi ni Ejercito na nakatakda na sa Miyerkules ang pagtalakay ng Senate Committee of the Whole ang resolution of both house no. 6.
Sinabi ni Ejercito, na ito ay pagtupad ng Senado sa kanilang napagkasunduan sa Kamara. | ulat ni Nimfa Asuncion