Sinabi ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na tututulan niya ang pag amyenda sa economic provision ng Saligang Batas.
Kung si Pimentel aniya ang tatanungin, mas gusto niyang amyendahan ang political provisions ng Saligang Batas kung saan gagawing Federalismo ang uri ng pamahalaan, sa paniniwalang mas mabilis nitong matutugunan ang mga problema sa bawat rehiyon.
Bagamat aminado ang opposition senator na mas lamang ang mga senador na sumusuporta sa economic chacha, handa pa rin siyang tutulan ito dahil para sa kanya ay hindi naman talaga gusto ng mga mambabatas ng Senado ang chacha.
Balak ring kwestiyunin ng mambabatas ang proseso at rules sa pagtalakay sa chacha, at kung ilan ang malilikhang trabaho sa mga sektor ng public utilities, edukasyon at advertising kung bubuksan sa 100 percent ang foreign ownership. | ulat ni Nimfa Asuncion