Kinumpirma ni Senate President Juan Miguel Zubiri na natanggap na niya ang liham ni House Speaker Martin Romualdez tungkol sa people’s initiative at charter change.
Ayon kay Zubiri, tumugon na siya sa naturang liham at matatanggap ito ng Office of the House Speaker sa Lunes.
Ayon sa Senate President, wala pang diskusyon ang mga senador sa suhestiyon ni House Speaker Martin Romualdez na magkaroon ng alternatibong people’s initiative na pangungunahan ng mataas na kapulungan.
Naniniwala aniya ang mga senador na anumang lehitimong people’s initiative ay dapat na pangunahan ng taumbayan.
Giniit rin ng Senate leader na naninindigan ang mataas na kapulungan na ang kasalukuyang gumugulong na people’s initiative, sa kasalukuyan nitong porma at sa naging paraan ng pangangalap ng pirma dito, ay mali at unconstitutional.
Binigyang diin rin ng Senate President na aniya sila ng posibleng Constitutional crisis at sinubukang iwasan ito, pero sa mga nangyayari ngayon ay ito na nga ang sitwasyon.
Umaasa aniya si Zubiri na matutuldukan na rin ito sa mga susunod na araw.
Pag-aaralan aniya ng mataas na kapulungan ang mga option na available sa kanila para mapanatili ang checks and balances na itinatakda ng Konstitusyon sa pamamagitan ng bicameral legislature. | ulat ni Nimfa Asuncion