Nakipagpartner ang Quezon City government sa Globe para mabigyan ang mga senior citizen sa lungsod ng isang digital learning session.
Tinawag na”Teach Me How To Digi” ang naturang aktibidad na isinagawa sa Skydome, SM North Edsa.
Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, layon ng learning session na ito na matulungan ang mga nakatatanda na matutunan ang ilang digital skills.
“The city government of Quezon City is proud to partner with Globe in this undertaking. In QC, we give our seniors top priority in terms of public services to help them live their sunset years as active and productive members of society,” Belmonte.
Nasa 400 senior citizens ang nakibahagi sa learning session.
Kabilang sa itinuro dito ang pagnavigate ng email, 101 course sa paggamit ng smartphones, paggamit ng fintech platform na GCash at gayundin ang telehealth service KonsultaMD.
Para sa alkalde, malaki ang maitutulong ng mga kaalamang ito sa mga senior QCitizens para makasabay sa mga nakababatang henerasyon pagdating sa makabagong teknolohiya.
Nagpasalamat din si QC Mayor Joy Belmonte sa Globe sa programang magbibigay daan para maging produktibo ang mga senior citizens.
Bukod naman sa learning session, nagkaroon din ng booth ang National Commission of Senior Citizens (NCSC) kung saan maaaring makapagrehistro ang mga senior at maisama sa database. | ulat ni Merry Ann Bastasa