Ang hakbang ng Senado para amyendahan ang Saligang Batas ay patunay na walang Constitutional crisis sa pagitan ng Kamara at Senado.
Ito ang reaksyon ni Albay 2nd District Representative Joey Salceda matapos ihain mismo ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang Resolution of Both Houses 6 (RBH-6) na layong amyendahan ang economic provisions ng Konstitusyon.
Sabi kasi ni Zubiri, na kaniyang inihain ang RBH-6 upang maiwasang mauwi sa Constitutional crisis ang pagiging malamig ng Senado sa People’s Initiative na itinutulak ngayon ng Kamara dahil sa pagiging divisive nito.
Welcome ani Salceda ang pagiging bukas ng Senado sa Constitutional reform kaysa isara ang usapin ng pagbabago na kinakailangan at napapanahon.
“I also believe that there is no existential threat of a Constitutional crisis. Both the People’s Initiative are underway and previous attempts by the House to establish a Constituent Assembly to amend the Constitution are fully in accord with the process stipulated in the 1987 Constitution. The regular workings of the legislature, and the relationship between the Senate and the House, should thus continue without interruption,” sabi ni Salceda.
“The Chair of the Senate Committee on Constitutional Amendments has already expressed his intent to tackle Charter Change. Various senators have also expressed support or openness to Constitutional reforms, in one form or another. We welcome these developments,” dagdag ng House Tax chief.
Diin pa ng mambabatas na magtagumpay man o hindi ang People’s Initiative, ay gagawin ng Kamara ang lahat ng paraan na naaayon sa Saligang Batas upang makapagpasok ng mas maraming pamumuhunan at makalikha ng dagdag na trabaho, negosyo, at kabuhayan para sa mga Pilipino. | ulat ni Kathleen Jean Forbes