Inilunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang serbisyo caravan para sa mga kasambahay sa buong bansa bilang paggunita ng kagawaran sa Araw ng mga Kasambahay.
Layunin nito na iparating ang iba’t ibang serbisyong pampamahalaan, kasabay ng pagbibigay impormasyon ukol sa karapatan at responsibilidad ng mga kasambahay at kanilang mga employer.
Kasama sa mga aktibidad ang libreng serbisyo mula sa iba’t ibang ahensya tulad ng DSWD, SSS, PhilHealth, PagIBIG Fund, at PNP.
Kalahok sa nasabing Serbisyo Caravan ang 16 na regional offices ng DOLE, kabilang ang iba’t ibang mga field, provincial, at satellite offices nito.
Inaasahan namang magdaraos ng pagdiriwang ang mga DOLE Regional Offices mula Enero 18 hanggang 31, 2024.
Ipinagdiriwang taon-taon ang Araw ng mga Kasambahay bilang pag-alala sa pagkalagda ng Republic Act No. 10361 o ang Domestic Worker Act na kinilala rin bilang Batas Kasambahay kung saan kinikilala at halaga nito ang trabaho ng mga Kasambahay at mga tulad na trabaho na nasa pormal na sektor sa ambag nito sa ekonomiya. Pinalalakas din ng batas ang mga pamamaraan upang maprotektahan ang mga kasambahay sa kanilang mga lugar-paggawa. | ulat ni EJ Lazaro