Pagbubutihin pa at aayusin ng Department of Social Welfare and Development ang serbisyo ng DSWD Mobile Kitchen.
Ito’y para mas magiging epektibo at kapaki-pakinabang pa sa pagbibigay ng agarang tulong para sa mga pamilya na naapektuan ng kalamidad o sakuna.
Kahapon, kasama ang DSWD sa ibang ahensya ng pamahalaan na naglatag ng Serbisyo Fair sa Bagong Pilipinas’ kick-off rally.
Sa pamamagitan ng DSWD Mobile Kitchen, namahagi ng pagkain ang Disaster Response Management Division (DRMD) sa mga dumalo sa pagtitipon.
Ang Mobile Kitchen ay isa sa mga kagamitan ng ahensya para sa pagresponde sa mga kalamidad o sakuna.
Ginagamit din ito sa pagbibigay ng resource augmentation para sa mga lokal na pamahalaan sa National Capital Region. | ulat ni Rey Ferrer
📷: DSWD