Tina-target ng water concessionaire na Manila Water na makumpleto at maging operational na ngayong taon ang itinatayo nitong Hinulugang Taktak Sewage Treatment Plant (STP) sa Antipolo City.
Ayon sa kumpanya, sa kasalukuyan ay nasa higit 60% nang kumpleto ang naturang treatment plant.
Pinondohan ito ng ₱2.5-billion na nakapwesto sa Hinulugang Taktak Falls sa Antipolo City.
Oras na maging operational na ito, inaasahang mas mapapalawak pa ang serbisyo ng Manila Water sa mga customer nito sa Metro Manila at Rizal.
Layon din ng proyekto na maghatid ng sewerage service sa 148,000 residente ng Antipolo City, mula sa Barangay Dela Paz, San Isidro, San Roque, at San Jose.
“Aside from providing 24/7 water supply to our customers, sanitation remains at the forefront of our service improvement efforts. We believe that by providing quality sanitation, we are contributing to better community health and environmental sustainability in the province,” pahayag ni Corporate Communications Affairs Group Director Jeric Sevilla. | ulat ni Merry Ann Bastasa