Umaasa ang grupong Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na hindi umabot sa 3.8 milyong tonelada ang rice import ng bansa ngayong 2024.
Ito ay sa kabila ng projection ng United States Department of Agriculture (USDA) na mananatiling “Top 1 Global Rice Importer” ang Pilipinas.
Sa panayam sa media, sinabi ni SINAG Exec. Dir. Jayson Cainglet na maaaring nakabatay ang pagtaya ng USDA sa posibleng impact ng El Niño sa rice sector.
Dahil dito, kritikal aniya na matugunang mabuti ng Department of Agriculture ang hamon ng tagtuyot lalo na sa rice producing areas.
Partikular na pinatututukan ng SINAG ang interventions sa lalawigan ng Nueva Ecija na major rice producing province.
Ayon naman kay DA Spokesperson Asec. Arnel de Mesa, nakatutok na ang pamahalaan sa pagpapalakas ng lokal na produksyon nang hindi lubusang umasa sa importasyon ang bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa