Dudulog na kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Sonshine Media Network International (SMNI).
Ito ang inihayag ni Atty. Mark Tolentino, isa sa mga abogado ng SMNI. Aniya, maghahain sila ng petition for review sa Tanggapan ng Pangulo kaugnay sa mga parusa na ipinataw sa network.
Kabilang na rito ang ipinataw na indefinite suspension ng National Telecommunications Commission (NTC) at ang pagbasura ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa apela nila na bawiin ang suspensyon sa dalawang TV programs nito.
Ayon kay Tolentino, natanggap nila kahapon ang desisyon ng MTRCB at inasahan na nila na ibabasura ito.
Sa ngayon, sinusubukan nila ang lahat ng posibleng paraan at kabilang dito ang paglapit kay Pangulong Marcos sa susunod na linggo. | ulat ni Diane Lear