Naghain si Liberal Party President at Albay 1st District Rep. Edcel Lagman ng petition for certiorari ang prohibition kaugnay sa aniya’y sobrang halaga ng unprogrammed appropriation sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act.
Kasama ni Lagman sa pagdulog sa Korte Suprema ang iba pang LP lawmakers na sina Rep. Gabriel Bordado at Rep. Mujiv Hataman.
Sa 27 pahinang petisyon, kinukwestyon ang constitutionality ng excess funds na nagkakahagala ng P449 billion na lagpas na umano sa sa ceiling ng National Expenditure Program na nasa P281 billion lamang.
Ayon sa petitioners, salig sa Section 25 Article VI ng 1987 Constitution, hindi maaaring taasan ng Kongreso ang alokasyon na inirekomenda ng Pangulo para sa operasyon ng gobyerno na naka-specify sa budget.
Kaya maituturing anilang unconstitutional ang ginawang pagdadagdag ng Kongreso sa unprogrammed funds na isang grave abuse of discretion.
Hiling din ng mga petitioner na makakuha ng Temporary Restraining Order o Writ of Preliminary Injuction upang ipahinto muna ang implementasyon at paglalabas ng 449.5 billion pesos; pagbasura sa naturang excess funds; at Writ of Prohibition sa mga respondent upang pagbawalang ilabas ang excess items of expenditure. | ulat ni Kathleen Jean Forbes