Pinakokonsidera ni Speaker Martin Romualdez sa Maharlika Investment Corporation na mamuhunan sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP. Ito ay bunsod pa rin ng isyu ng malawakang power outage ngayon sa Panay Island.
Ayon sa House leader, ipinapakita ng problema sa kuryente ngayon sa Western Visayas at Iloilo City ang hamon sa power infrastructure na may malaking epekto sa negosyo at buhay ng mga residente.
Tinukoy ni Romualdez ang pahayag ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas tungkol sa kawalan ng aksyon ng NGCP para solusyunan ang blackout gayundin ang atrasado nitong pagkumpleto sa transmission lines sa Cebu, Negros at Panay Grid.
Noong unang beses na magkaroon ng malawakang power outage sa Western Visayas, Abril ng 2023 ay inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang NGCP na agad tutukan ang krisis sa kuryente doon.
“This event has highlighted critical issues in our power infrastructure, impacting numerous businesses, industries, and the daily lives of our citizens…Despite earlier identified solutions, the recurrence of power outages indicates a failure in implementation. The incomplete construction of transmission lines for the Cebu, Negros, and Panay grid is particularly concerning.” Sabi ni Romualdez.
Kaya naman makatutulong ani Romualdez ang pamumuhunan ng MIC sa NGCP para sa kinakailangang infrastructure upgrade at pagpapababa ng singil ng kuryente.
“Given these challenges, I propose that the Maharlika Investment Corporation considers investing in the NGCP. This strategic investment could provide essential capital for infrastructure upgrades and help in lowering the cost of electricity for consumers. Such involvement could lead to improved efficiency, economic growth, enhanced energy security, support for renewable energy integration, and increased accountability in NGCP’s operations.” Diin ng House Speaker
Hinimok din ng lider ng Kamara ang Energy Regulatory Commission at NGCP na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa sanhi ng power outage upang masolusyunan na ang pinaka ugat ng problema at hindi na maulit pa.
“I also urge the ERC and the National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) to conduct a thorough investigation into the cause of this outage. Identifying and addressing the root causes is essential to prevent future occurrences and ensure a stable power supply. The involvement of the Maharlika Investment Corporation could be a significant step towards achieving a reliable, efficient, and sustainable energy infrastructure.” Dagdag ni Speaker Romualdez
Siniguro din ng House Speaker sa Marcos Jr. administration na kaisa ang Kongreso sa paghahanap ng solusyon para sa stable na suplay ng kuryente sa Western Visayas at paglalatag ng pangmatagalang solusyon sa usapin ng kuryente sa bansa. | ulat ni Kathleen Jean Forbes