Umaasa si House Speaker Martin Romualdez na susunod na rin ang iba pang kumpanya at negosyo sa pagtalima sa batas na naggagawad ng diskwento para sa mga senior citizen, PWD at iba pang vulnerable sector.
Kasunod ito ng pagbibigay ng 40% discount sa pagkain at inumin ng kilalang coffee chain para sa mga nakatatanda, PWDs at medal of valor awardees nitong January 24.
Kinilala din ng House leader ang pagiging bukas ng San Miguel Corp., na magbigay ng 20-percent discount sa mga nakatatanda at PWD na babaybay sa Skyway system sa Metro Manila at kanilang expressways.
Dahil dito umaasa siya na tatapatan din ng iba pang tollway operator ang hakbang na ito ng SMC.
“We appreciate the gesture of Starbucks. It gives meaning to its apology given to three House committees for what they acknowledged as its ‘mistake.’ We also value their promise to henceforth fully support the discounts and benefits of those covered. We appeal to other establishments to follow suit,” saad ni Speaker Romualdez.
Paalala naman ni Romualdez sa mga establisyimento na hindi sumusunod na babantayan sila ng Kamara at gagamitin ang oversight function nito para sila ay patawan ng parusa.
“We have granted these privileges to our people, and we will see to it that those covered receive them. Entities that are not granting the discounts and other benefits will be exposed and compelled to comply with the laws. We will also not hesitate to initiate prosecution,” diin ni Speaker Romualdez. | ulat ni Kathleen Forbes