Nasa Switzerland ngayon si Speaker Martin Romualdez upang pangunahan ang delegasyon ng Pilipinas sa pagdalo sa World Economic Forum Annual Meeting 2024.
Dito, nakatakdang ibida ni Romualdez ang Pilipinas bilang premier investment destination kasama na ang bagong tatag na Maharlika Investment Fund.
“We are committed to leveraging this international platform to escalate the effort of the administration of President Ferdinand R. Marcos, Jr. to promote the Philippines as an attractive and secure investment destination, ultimately benefitting the Filipino people with more jobs and business opportunities,” sabi ni Romualdez.
Mismong si WEF President Borge Brende ang nag imbita kay Romualdez sa pamamagitan ng isang liham noon pang Oktubre 2023.
Magsasama-sama sa WEF Meeting ang mga mahahalagang lider ng iba’t ibang bansa at negosyo, pati ang mga pinuno ng sovereign wealth fund, para pag-usapan ang iba’t ibang global, regional, at industry agenda.
“The leaders gathering in Davos would greatly value your insights, especially with the escalating geopolitical and geo-economic challenges present in the region and globally. Your active participation will also help strengthen the Filipino narrative and the country’s global standing in the eyes of the international community, providing rich opportunities for the country,” saad ni Brende.
Si Ambassador at Permanent Representative to the World Trade Organization Manuel A.J. Teehankee ang nag-endorso sa imbitasyon dahil na rin sa naging papel ni Speaker Romualdez sa matagumpay na pagkakapasa sa MIF at ang naging announcement mismo ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. ukol dito sa Davos noong AM 2023.
Dagdag pa ni Tehankee na oportunidad ang AM2024 para maipagpatuloy ang magabdang nasimulan ni PBBM sa kaniyang pagdalo noong nakaraang taon para mapanatili ang interes ng Davos community sa Pilipinas na isa ngayon sa fastest-growing economies sa mundo.
Inaasahan din na mailalahad ng House Speaker ang mga mahahalagang legislative reforms at nagpapatuloy na inisyatiba ng administrasyong Marcos para makahikayat ng mga mamumuhunan.
Inaasahan naman na magkakaroon din ng bilateral meeting si Romualdez sa mga makikibahaging world at business leaders pati na para malaman ang best practices para sa ikatatagumpay ng ating Maharlika Investment Fund.
“We are confident that our engagement with some of the world’s top business leaders and political leaders would generate significant interest and recognition of our Maharlika Investment Fund as a compelling platform for direct foreign investments. This, in turn, can contribute significantly to the country’s economic growth and job creation for our people,” saad ni Romualdez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes