Lumiham si Speaker Martin Romualdez kay Senate President Juan Miguel Zubiri upang iparating ang suporta ng Kamara sa Resolution of Both Houses No. 6.
Ang RBH-6 ay inihain ni Zubiri para magpatawag ng Constitutent Assembly bilang pamamaraan ng pag-amyenda sa economic provisions ng Saligang Batas.
Ani Romualdez, hinihintay lamang nila ang pagpapatibay ng Senado sa RBH-6 tatlong probisyong tumutukoy sa ekonomiya.
Buo aniya ang suporta ng Mababang Kapulungan ng Kongreso dito at handang i-adopt sa oras na aprubahan.
Maging ang isusulong na alternatibong peoples’ initiative ng Senado ay handang suportahan ng Kamara.
“We await the approval of the Senate of RBH No. 6, and we commit to adopt this measure pertaining to the amendments of the economic provisions of the Constitution. We also pledge and commit to support an alternative people’s initiative led by the Senate with the proposition on amendments to the restrictive economic provisions of the Constitution,” saad sa liham ni Romualdez kay Zubiri.
Nakapaloob din sa liham ni Romualdez ang bahagi ng kaniyang opening message sa pagbubukas ng sesyon noong Lunes na nagbibigay-diin sa napapanahong pagpapasok ng foreign capital at direct investments sa bansa.
Kasama rin dito ang pagpuri kay Zubiri at sa mga senador dahil sa pagsisikap na itaguyod ang charter change sa pamamagitan ng Constituent Assembly.
Paalala pa nito na batay na rin sa kanilang napag-usapan at sa commitment bago pa ang vin d’honneur noong January 11 ay susuportahan ng Kamara at ng buong House leadership ang RBH-6. | ulat ni Kathleen Jean Forbes