Nagkaroon ng pagkakataon si House Speaker Martin Romualdez na makausap ang mga managers ng top performing Sovereign Wealth Fund sa buong mundo sa ginaganap na 2024 Annual Meeting ng World Economic Fund (WEF).
Isa sa mga layunin ng Philippine delegation sa WEF ay makahikayat ng mamumuhunan sa pamamagitan ng Maharlika Investment Fund.
“These high-level engagements with international business leaders and policymakers in this years’ WEF annual meeting are invaluable as they provide us with opportunities to explore avenues for partnerships, collaborations, and investment opportunities to unleash the potential of the Maharlika Investment Fund for the benefit of the nation and our people,” sabi ni Romualdez.
Ilan sa mga kaniyang nakaharap sina Israfil Mamadov, Chief Executive Officer ng State Oil Fund of the Republic of Azerbaijan (SOFAZ) at Lim Boon Heng, chairman ng Singapore state investment firm na Temasek Holdings Limited.
Sa pamamagitan aniya ng mga pulong na ito ay umaasa silang makakamit ang mithiin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maging matagumpay ang MIF at makatulong sa pagpapaunlad ng bansa.
“The exchange of ideas, best practices, and insights on the management, investment policies and insights on sovereign wealth fund could prove invaluable in helping realize the vision of President Ferdinand R. Marcos, Jr. for the MIF as a catalyst for our nation’s growth and development,” sabi pa ni Romualdez.
Matatandaan na sa pagdalo ni PBBM sa 2023 WEF ay naganap ang soft launch ng MIF. | ulat ni Kathleen Jean Forbes