Hinarap ni Speaker Martin Romualdez ang ilan sa mga grupo ng jeepney driver na umaapelang huwag na ipatupad ang PUV modernization.
Dito nagbigyang pangkakataon ang mga tsuper na ilatag ang kanilang hinaing at saloobin kung bakit tutol sila sa naturang programa.
Kabilang na dito ay pangamba sa kung ano ang mangyayari sa kanila oras na magtapos ang deadline ng franchise consolidation sa January 31, 2024.
Pagisguro naman ni Speaker Romualdez na bukas na bukas ay kaniyang ilalapit ang kanilang hinaing kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Kakausapin din aniya niya ang LTFRB na palawigin ang deadline para sa franchise consolidation hanggang sa masolusyunan ang mga isyu sa pagpapatupad ng PUV modernization.
Matatandaan na noong December 31, 2023 ang orihinal na deadline para sa consolidation ngunit pinalawig ng hanggang sa katapusan ng kasalukuyang buwan.
Kaisa rin si Romualdez sa mga nais na panatilihin ang iconic na imahe ng jeep na isa sa mga simbolo na ng bansa.
Kaya makikipag-ugnayan din aniya sila sa mga local jeepney manufacturers gaya ng Sarao at Francisco Motors kung paano maaaring makakuha ng mas abot kayang modern jeep.| ulat ni Kathleen Forbes