Nanindigan si Speaker Martin Romualdez na wala siyang inaatakeng sinomang kaalyado ng administrasyon.
Tugon ito ng House leader nang mahingan ng reaksyon sa naging pahayag ni Vice President Sara Duterte patungkol sa relasyon nila ni Romualdez.
Sabi kasi ng bise, ang pinaka-akmang pagsasalarawn ng kanilang relasyon ay ang galing kay Senator Imee Marcos, kung saan nakwestyon kung bakit aniya niya inaatake ang kaalyado ng administrasyon.
“On my part I have not attack any ally of this administration. I don’t know what she’s talking about.” ani Romualdez
Ani Romualdez, nirerespeto niya ang bise presidente at wala siyang matandaan na sinabi o ginawa para siya ay atakihin.
“For the Vice President, I respect the Vice President. As my Vice President, as my secretary of education, she has my full support. I don’t know what I have said or done to attack her. Please identify those actuation if any. Kung nakikinig siya sa mga marites o kung sinong senador dyan, it’s up to her.” sabi pa ng House speaker
Para kay Romualdez, miski papaano ay may pinagsamahan din naman aniya sila ni VP Sara nang maging campaign manager niya noong nakaraang eleksyon.
Katunayan, nami-miss na aniya niya ang bise dahil dati ay parati silang magkasama ngunit dahil sa kanilang trabaho ay hindi na sila nagkikita ng madalas
“But maski paano may pinagsamahan din dati, maski wala daw akong kinalaman sa pagka-Vice President niya. I was her campaign manager. We worked very hard together and I was very, very happy when she was successfully elected with a very, very, very high mandate for VP. I congratulate her, I wish her nothing but all the best, I respect her. And so totoo lang po, namimiss ko siya kasi dati parati kami magkasama, pero sa ating–our work now, she as the Vice President and secretary of DepEd, and me being the Speaker, we don’t see each other as much, so syempre I miss working together with her.” sabi pa niya. | ulat ni Kathleen Forbes