Pansamantalang isasara sa mga motorista ang isang lane ng SCTEX Mabalacat upang bigyang daan ang steel bridge installation para sa North–South Commuter Railway Malolos-Clark Segment.
Sa abiso ng NLEX Corporation, partikular na isasara ang lane 2 rightmost lane papuntang Tarlac simula alas-9:00 ng gabi ng Enero 8 hanggang alas-5:00 ng umaga ng Enero 9.
At sunod ay dakong alas-9:00 din ng gabi ng Enero 9 hanggang alas-5:00 ng umaga ng Enero 10.
Ang steel bridge installation para sa Malolos-Clark Railway ay proyekto ng Department of Transportation (DOTr) at Philippine National Railways (PNR).
Kung kinakailangan, magbubukas ng zipper lane sa SCTEX Mabalacat sa panahong sarado ang daan.
Maglalagay din ng directional at safety signs sa strategic areas para maging gabay ng mga motorista. | ulat ni Rey Ferrer