Strategic Planning Session para sa taong 2024, isinagawa ng Bureau of Customs Port of NAIA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsagawa ang Bureau of Customs Port of NAIA ng kanilang unang Strategic Planning Session para sa taong 2024.

Pinangunahan ni NAIA District Collector Atty. Yasmin Mapa, kung saan tinalakay ang mga pangunahing istratehiya at pagpapatupad para sa CY 2024 na naglalayong tukuyin sa gagawing pagbalangkas na maghahatid sa pangkalahatan ng mga mandato at makabagong serbisyo publiko.

Layunin din nito na makamit ang bisyon ng BOC na maging isang modernisado at kapani-paniwalang administrasyon ng Customs.

Ang Strategic Planning Session ay nagbibigay-daan sa mga tanggapan na bumalangkas ng kanilang mga layunin at i-coordinate ang kanilang mga estratehiya para sa darating na taon.

Ihaharap ng mga tanggapan ang kanilang mga nagawa, plano, at programa na magbibigay-daan para sa isang malinaw na plataporma ng impormasyon at pakikipagtulungan para sa team ng Port of NAIA.  | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us