Sinabi ni Bohol Third District Representative Alexie Tutor na maaari pa ring ipagpatuloy ng State Universities and Colleges at Local Universities and Colleges ang senior high school program.
Ayon sa mambabatas, batay sa Department Order Number 20, series of 2023 ng Department of Education tanging ang voucher program lamang para sa SHS ang ipinatitigil.
Kaya naman maaari pa rin aniyang ituloy ng mga SUCs at LUCs ang pag-aalok ng Senior High School program basta’t may sustainable funding.
Gayunman, aminado si Tutor na iilang SUCs at LUCs lamang ang may kakayahan na ituloy ang programa.
Samantala umaasa naman si ACT Teachers party-list Rep. France Castro na ikonsidera ng pagpapatupad ng naturang kautusan.
Ito aniya ay para magkaroon ng sapat na konsultasyon sa mga mag-aaral, magulang at guro na maaapektuhan nito. | ulat ni Kathleen Jean Forbes