Gustong malaman ni Senate Minority Leader Koko Pimentel kung sino ang supplier ng pamahalaan ng mga modernized jeepney para sa isinusulong na Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program.
Plano ni Pimentel na sumulat sa Department of Transportation (DOTr) para malaman ang naging proseso sa pagpili ng mga supplier maging ang mga nagsilbing middleman ng mga ito.
Binigyang-diin ng Minority leader na dahil ang pamahalaan ang magpapatupad ng naturang programa ay dapat lang tiyakin na dumaan sa tamang proseso ang pagpili ng mga supplier, kasama na ang pagkakaroon ng accreditation at pagdaan sa public bidding.
Giit ni Pimentel, dapat maisapubliko ang mga ito para na rin aniya sa transparency ng naturang proseso.
Ito ay para maiwasan na rin aniya, ang pag-iisip na pre-arranged na ang mga supplier ng modernized jeepneys. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion