Pormal nang binuksan ng lungsod ng Taguig ang isang satellite pharmacy para sa mga taga-EMBO Barangay para tugunan ang kanilang mga pangangailangang pangkalusugan.
Alok ng bagong pasilidad ang mga libreng gamot na ireresta sa mga pasyente sa pamamagitan ng telemedicine consultations na libre ring ibinibigay sa mga residente.
Maliban sa pharmacy, bukas rin ang iba pang pasilidad ng Taguig LGU para sa mga residente ng EMBO kabilang dito ang mga health centers, dialysis centers, animal bite treatment center, at mga laboratories.
Matatagpuan ang binuksang satellite pharmacy sa 2nd floor, Unit E, Genesis Bldg., 19th Avenue, JP Rizal Extension, sa may East Rembo at bukas mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.
Bukod dito, sinasabing tumatanggap din ang pharmacy ng PhilHealth at medical assistance applications mula sa mga EMBO residents.
Ayon sa Taguig LGU, ang mga isinagawang aksyon na ito ng kanilang lungsod ay alinsunod sa pagsasara ng Lungsod ng Makati mga health facilities nito sa mga EMBO Barangays dahil umano sa mga napasong licsensya para mag-operate. | ulat ni EJ Lazaro