Upang mas maging ligtas ang bawat alagang hayop sakaling makakagat ito, naghandog ang lokal na pamahalaan ng Taguig ng libreng bakuna sa rabies para sa mga petlover sa lungsod.
Umabot na sa 718 na alagang hayop ang nabakunahan dito pa lamang sa Barangay Pitogo.
Ayon sa City Veterinarian Office ng lungsod, iikot sa iba’t ibang barangay sa Taguig, kabilang ang Embo barangays, ang kanilang grupo upang maghatid ng libreng rabies vaccine sa mga alagang hayop.
At para naman sa magiging schedule ng libreng rabies vaccine bisitahin lamang ang tanggapan ng Veterinary’s Office o di kaya naman sa official Facebook page ng Taguig. | ulat ni AJ Ignacio