Nanawagan ngayon ang Tagum City Police Station sa Davao del Norte na sumunod sa mga regulasyon at panuntunan sa isasagawang Translasyon ng Itim na Poong Nazareno sa lungsod bukas, Enero 9, 2024.
Sa inilabas na pahayag ng kapulisan, inihayag nito na dapat gawin ng mga deboto ang pagsunod sa tamang lalo na sa panahon prosesyon para maiwasan ang posibleng pagkakaroon ng stampede na maaaring ikasugat nito dahil inaasahan ang pagdagsa ng mga tao.
Hinimok din ng awtoridad ang mga dadalong deboto na agad isumbong sa kinauukulan ang anumang kaduda-dudang mga tao o bagahe na makikitang iniwan lalo na sa matataong mga lugar upang mapigilan ang anumang banta ng terorismo.
Nagpaalala din ang kapulisan sa mga motorista na planuhin ang kanilang lakad dahil may ilang mga kalsada sa lungsod ang isasarado para sa translasyon. | ulat ni Armando Fenequito | RP1 Davao
📸 PNP Tagum Facebook Page