Nasa higit kalahati na ang target ng administrasyong Marcos hanggang 2028 na may kinalaman sa farm-to-market roads ang nabuo ng pamahalaan sa loob lamang ng isa’t kalahating taon.
Sa video ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., inihayag nito na sa 131, 410.66 kilometers na farm-to-market road na target tapusin sa pagtatapos ng kanyang termino, ay 67, 328. 92 kilometers ang naipagawa na.
Katumbas aniya ito ng distansiyang parang pabalik-balik mula Appari hanggang Jolo ng 32 ulit.
Malaking tulong aniya ito para sa mas maayos na koneksyon sa pagitan ng producers at ng merkado na pakikinabangan ng mga nasa sektor ng agrikultura.
Kakayanin aniyang mabuo ang 131, 410 km na farm-to-market roads habang tuloy- tuloy din sabi ng Pangulo ang pagtatayo ng mga imprastraktura sa ilalim ng Build Better More o BBM program. | ulat ni Alvin Baltazar