Patuloy na isinusulong ng Department of Education (DepEd) ang pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon sa Mindanao.
Ito ay sa ilalim ng Teacher Effectiveness and Competencies Enhancement Project (TEACEP) na suportado ng World Bank.
Layon ng program na maiangat ang kalidad ng pagtuturo sa mga mag-aaral mula sa Kindergarten hanggang Grade 6 sa Zamboanga Peninsula, SOCCSKSARGEN, at BARMM.
Ayon kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte, ito ay isasagawa sa pamamagitan ng tatlong component gaya ng: pagsasagawa ng coaching programs para sa mga guro, pagbibigay ng resources para sa mas epektibong pagtuturo, at pagbubutihin ang project management, monitoring, at evaluation sa mga guro.
Batay sa datos ng World Bank, marami sa mga mag-aaral ang nagda-drop out sa paraalan sa Mindanao, mas kaunti rin ang mga kabataan na pumapasok sa eskwelahan kumpara sa ibang parte ng Pilipinas, at nahihirapan din sa pagbabasa at matematika.
Tiniyak ni VP Sara na sa tulong ng TEACEP mapaiigting ang learning outcomes ng mga mag-aaral alinsunod sa MATATAG Agenda ng DepEd.
Tinatayang nasa dalawang milyon na mga mag-aaral sa elementarya at 60,000 na mga guro ang mabebenepisyuhan ng programa sa mga nabanggit na rehiyon. | ulat ni Diane Lear
📷: DepEd