TESDA, nagbukas ng Japanese at English courses sa National Language Skills Center

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na pinaiigting ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang language skills training program ng ahensya.

Layon nitong makatulong na mapataas ang employability skills ng mga Pilipino.

Kaugnay nito nagbukas ng English Proficiency para sa Customer Service Worker at Japanese Language at Culture Level II ang National Language Skills Center ng TESDA sa Taguig City.

Hinikayat naman ni TESDA Secretary Suharto Mangudadatu ang publiko na mag-enroll sa naturang mga training program ng ahensya upang mapalakas ang kanilang language skills at mapataas ang kanilang employability skills.

Ayon pa kay Secretary Mangudadatu, mahalaga na mag-invest sa sarili upang mapalawak ang kaalaman at kakayahan. Aniya, magbubukas ito ng oportunidad sa mga Pilipino dito sa Pilipinas at sa abroad.

Tatagal naman ang English Proficiency para sa Customer Service Workers ng 25 araw, habang ang Japane Language and Culture naman ay 75 araw. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us