Top 20 importers na patuloy na sumusunod sa panuntunan ng BOC-NAIA, binigyang pagkilala ng ahensya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang pagkilala ng Bureau of Customs NAIA ang nasa 20 importers sa bansa na patuloy na sumusunod sa tamang proseso at panuntunan ng BOC NAIA.

Ayon kay District Collector Yasmin O. Mapa, layon ng pagbibigay pagkilala sa top importers na magsilbing ehemplo sa mga importer na dumadaan sa BOC-NAIA, upang sumunod na rin sa tamang proseso ang mga ito.

Nangunguna ang Samsung Electronics Philippines bilang top importer nitong 2023 na nakapag-contribute ng kabuuang P2.739 billion, sinundan naman ito ng Globe Telecom Inc., Louis Vuitton (Phils) Inc., Smart Communications Inc.

Nagpasalamat din si Mapa sa mga bumubuo at kawani ng BOC-NAIA dahil sa patuloy na paglilingkod upng maging maayos ang tariff collection sa NAIA. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us