Pasado alas 2 ng hapon nitong Martes, Enero 2, nakadanas ng total blackout ang Western Visayas.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), naka-detect sila ng multipower plant tripping sa isla ng Panay.
Kasalukuyang nararanasan ang total blackout sa lungsod at probinsya ng Iloilo at mga karatig na probinsya ng Capiz, Aklan, at Guimaras.
Nakaranas rin ng blackout ang Negros Occidental, ayon sa power distributor na CENECO.
Sa ngayon, patuloy pang iniimbestigahan ng NGCP ang rason ng total blackout at ginagawan ng paran upang maibalik ang kuryente sa Western Visayas.| ulat ni Emme Santiagudo| RP1 Iloilo