Inilatag ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang pitong mahahalagang puntos para maitaguyod ang Transformative Education para sa mga Pilipinong mag-aaral.
Ito’y makaraang pangunahan ng Pangalawang Pangulo ang isang forum kaalinsabay ng International Day of Education para sa taong ito.
Sa kaniyang talumpati, binigyang-diin ni VP Sara ang kahalagahan ng pagbibigay ng dekalidad na edukasyon sa kabila ng iba’t ibang hamong kinahaharap ng bansa.
Nanawagan din siya sa bawat isa kabilang na ang civil society at mga tagapagbalangkas ng mga polisiya para sa hakbang na tiyakin na nabibigyang pagkakataon ang bawat kabataang Pilipino para sa tamang edukasyon.
Ngayong araw, nakatakdang mag-ulat si VP Sara hinggil sa kasalukuyang estado ng basic education, ang MATATAG Curriculum, at iba pang mga usapin na bumabalot sa sektor ng edukasyon sa bansa sa pamamagitan ng Basic Education Report 2024. | ulat ni Jaymark Dagala