Ipupursige ng pamahalaan ang tuluyang pagbuwag sa nalalabing 14 na napahinang guerilla front ng NPA ngayong taon.
Ito ay kasunod ng deklarasyon ng Armed Forces of the Philippines na wala nang aktibong guerilla front ang NPA sa lahat ng rehiyon ng bansa at naghihingalo na ang kanilang mga nalalabing pwersa.
Ayon kay National Task Force to End Local Communist Armed Conflict Executive Director Usec. Ernesto Torres Jr., sa kabila nito ay hindi pa rin magpapakampante ang pamahalaan.
Aniya, ang pagsugpo sa mga naturang grupo ay pre-requisite upang maisagawa ang kasunod na hakbang sa pagpapanatili ng kapayapaan.
Dagdag pa ni Usec. Torres, kasalukuyan pa ring nakatalaga ang mga tropa sa mga lugar na naiulat na may presensya ng mga armadong grupo. | ulat ni Leo Sarne