Nakipagpulong si United Nations (UN) Special Rapporteur Irene Khan sa mga opisyal ng Commission on Human Rights (CHR) bilang parte pa rin ng pagtutok nito sa sitwasyon ng press freedom sa bansa.
Kasama sa tinalakay sa pulong nito sa CHR ang pag-assess sa compliance ng Pilipinas sa obligasyon nitong pangalagaan ang karapatang pantao, partikular na sa konteksto ng malayang pamamahayag at opinyon.
Ayon sa CHR, ang resulta ng pulong ay magiging bahagi ng final report ng Special Rapporteur na iprepresenta nito sa 59th session ng UN Human Rights Council sa Hunyo ng 2025.
Bago naman maisapinal ang pagbisita nito sa bansa, nakatakda pang makipagpulong si Khan sa ilan pang kinatawan ng gobyerno para sa preliminary observations nito at gayundin ang kanyang mga rekomendasyon. | ulat ni Merry Ann Bastasa
📷: CHR