Aarangkada na ngayong araw ang “Una ka sa Serbisyo Caravan’sa Barangay Baesa, District 6 sa Quezon City.
Ang caravan ay inisyatiba ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na layong ilapit sa publiko ang mga serbisyo, programa at proyekto ng lokal na pamahalaan.
Gagawin ito sa pamamagitan ng mga District Action Offices, kung saan maaaring isangguni ng mga residente ang kanilang concerns para mabigyan ng agarang serbisyo.
Sa abiso ng pamahalaang lungsod, isasagawa ang Una ka sa Serbisyo Caravan sa Vic Mari Subdivision sa nasabing barangay,simula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.
Ilan sa mga serbisyo na alok ng caravan ang:
– Registration and Encoding ng Senior Citizen IDs, PWD IDs, at QC ID para sa mga Residente,
– Registration ng National ID at Printing ng EPhil IDs;
– Social Welfare Assistance and Clinical Assessment para sa Philippine Children Medical Center (PCMC);
– Social Pension Application at Application para sa DTI, Grocery at Movie Booklet;
– Operation Birth Right;
– Scholarship Program, Youth Profiling and Youth Organization Registration;
– Processing at Issuance of Building Permits, Wiring/Electrical Permit, Occupancy Permit at Signboard Permit;
– Housing Application Assistance, Certification para sa Meralco at Water Application, Community Mortgage Program Assistance, at marami pang iba. | ulat ni Rey Ferrer