Pinangunahan ni Philippine Army Chief Lieutenant General Roy Galido ang unang Command Conference ng Philippine Army para sa taong ito, nitong Sabado sa Fort Bonifacio, Taguig City.
Dito’y inilatag ni Lt. Gen. Galido ang kanyang komprehensibong Command Guidance sa lahat ng matataas na opisyal ng Philippine Army sa buong bansa sa pamamagitan ng video teleconference.
Ibinigay ni Lt. Gen. Galido ang kanyang marching orders para sa 110,000 miyembro ng Hukbong Katihan na palakasin pa ang pagiging epektibo at disiplinadong organisasyon na handang tumugon sa hamon na maging “multi-mission ready, cross-domain capable, at world-class Army.
Binilinan ni Lt. Gen. Galido ang mga sundalo na isakripisyo ang personal na interes para sa pagkakaisa, para sa Hukbong Katihan, para sa Sandatahang Lakas, at para sa bayan. | ulat ni Leo Sarne
📸: Cpl. Rodgen Quirante, OACPA